Skip to content

SAFET inilabas ang ulat hinggil sa mahahalagang teknolohiya para sa napapanatiling pamamahala ng pangisdaan at pangangalaga sa karagatan; inilunsad din ang plataporma upang itampok ang matagumpay na mga pagpapatupad

Collage of images with fish, boats, and nets
  • Sa kalagitnaan ng ‘The Ocean Decade,’ itinatampok ng ulat ng SAFET na “The Fourth Industrial Revolution at Sea” ang mahigit 10 pangunahing teknolohiya na maaaring magbigay-daan sa mas napapanatiling pangingisda at mas matatag na ekosistemang pandagat. 
  • Maaari na ngayong suriin ng mga tagapagpasya ang mga aktuwal na pagpapatupad at mga pag-aaral ng kaso ng mga solusyong ito sa pamamagitan ng plataporma at database na SEA-TECH-IN-MOTION.

London, UK — 15 Enero 2026 — Inanunsyo ngayong araw ng SAFET (Seafood and Fisheries Emerging Technologies), isang pandaigdigang nonprofit initiative na nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga tagapagbigay ng teknolohikal na solusyon at ng mga pangangailangan ng sektor ng seafood at pangisdaan, ang paglalathala ng pinakabagong insight brief nito: The Fourth Industrial Revolution at Sea: How new technologies enable more sustainable management of fisheries and the ocean environment.

Itinatampok sa ulat kung paanong ang isang hanay ng makabagong teknolohiya ay maaaring suportahan ang mga aplikasyon sa napapanatiling pamamahala ng pangisdaan, at mapahusay ang pangangasiwa sa mga kapaligirang pandagat. Ang bagong inilunsad na kaakibat na database ng SAFET, ang SEA-TECH-IN-MOTION, ay nagtatampok ng mga aktuwal na pagpapatupad ng teknolohiya at mga kuwentong tagumpay sa sektor ng seafood at pangisdaan upang mapataas ang kamalayan at mapalakas ang kumpiyansa sa mga teknolohiyang ito.

Dumarating ang ulat at ang plataporma sa pagsasara ng isang mahalagang taon para sa sektor. Umabot ang benta ng napapanatiling seafood sa pinakamataas na antas sa kasaysayan noong 2025. Ang naturang paglago ay pinasisigla ng pagbabago sa pananaw ng mga mamimili: Ipinapakita ng pananaliksik na isinasaalang-alang ng 38% ng mga mamimili sa Europa at 42% ng mga mamimili sa Hilagang Amerika ang pagpapanatili sa kanilang mga desisyon sa pagbili.

Bagama’t may malinaw na pag-unlad, nananatili ang mga hamon sa industriya ng seafood at pangisdaan. Halimbawa, isa sa bawat limang isda na nahuhuli ay nahuhuli sa pamamagitan ng illegal, unreported, at unregulated (IUU) na pangingisda, na nagdudulot ng bilyun-bilyong gastos sa pandaigdigang ekonomiya bawat taon. Ang global bycatch, o ang mga isda at iba pang lamang-dagat na nahuhuli nang hindi sinasadya sa pangingisda ay nananatili pa rin na isang malaking suliranin. At naaapektuhan ng maling paglalagay ng label ang tinatayang 40% ng mga produkto mula sa mga restaurant, mga pamilihan, at mga tindahang nagbebenta ng isda sa buong mundo.

Hindi kailanman naging mas mahalaga ang kalinawan at pagpapatunay sa mga supply chain ng seafood. At habang isinusulong ng mundo ang pandaigdigang layunin na maprotektahan ang hindi bababa sa 30% ng karagatan pagsapit ng 2030, nagbibigay ang insight brief ng SAFET ng mahalagang gabay. Sinusuri ng ulat ang apat na pangunahing tema na may kaugnayan sa paglikha ng mas napapanatiling supply chain ng seafood at sa mas mahusay na pangangalaga sa mga kapaligirang pandagat:

  1. Kalinawan at tiwala ng mga mamimili sa mga programa ng napapanatiling seafood;
  2. Pagbabawas ng bycatch at iba pang negatibong epekto ng legal na pangingisda;
  3. Pag-aalis sa IUU fishing at pagpigil sa pagpasok ng iligal na huli sa mga supply chain ng seafood;
  4. Mas malawak na napapanatiling pamamahala, proteksyon, at pagpapatupad para sa mga ekosistemang pandagat. 

Itinatampok din sa ulat ang mga halimbawa ng mahigit 10 pangunahing teknolohiya na makatutulong sa industriya upang mas mahusay na pamahalaan ang mga napapanatiling ekosistemang pandagat, pigilan ang ilegal na pangingisda at ang mga mapaminsalang epekto nito, bawasan ang bycatch at iba pang hindi kanais-nais na kinalabasan, at pahusayin ang kalinawan, kakayahang matunton, at tiwala ng mga mamimili sa mga supply chain ng seafood. Kabilang sa mga teknolohiyang saklaw ang electronic monitoring (EM) at electronic logbooks, vessel tracking solutions, traceability systems, mga aplikasyon ng artificial intelligence (AI) at machine learning, mga sistema sa pagbawas ng bycatch (vulnerable species/ nanganganib na uri), at iba pa.

Bukod sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa mga teknolohiyang ito sa insight brief, itinatampok na rin ngayon ng SAFET ang mga aktuwal na pagpapatupad ng mga solusyong ito sa mundo sa pamamagitan ng SEA-TECH-IN-MOTION. Ang plataporma at database ay patuloy na umuunlad, na may regular na paglalathala ng mga bagong pagpapatupad at nagbabagong resulta upang magbigay ng napapanahong impormasyon na sumasabay sa pangkalahatang takbo ng sektor. Sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga gumagamit na matukoy at matutunan ang mga komersyal na pagpapatupad, pinalalakas ng SAFET ang tiwala ng mga tagapagpasya na may kakayahang gayahin ang mga proyektong ito.

Hindi lamang nagtatampok ang SEA-TECH-IN-MOTION ng isang interaktibong pandaigdigang mapa ng mga proyekto; pinahihintulutan din nito ang mga gumagamit na magsaayos at magsala ng database ayon sa uri ng teknolohiya, rehiyon, kumpanya, use case, at iba pang mga salik upang makahanap ng mga kapaki-pakinabang na halimbawa at mga case study. Inaanyayahan ang mga kompanya sa teknolohiya ng karagatan, mga ahensya ng pamahalaan, at mga programa ng Non-Government Organization (NGO) na magsumite ng mga case study para maisama sa database.

“Nasa kalagitnaan na tayo ng ‘ocean decade,’ at bagama’t lumalakas ang positibong momentum, kailangan ng mga lider sa sektor ng seafood at pangingisda sa buong mundo ng higit na kalinawan at tiwala upang magaya ang mga gawaing may pinakamalaking epekto at gamitin ang mga teknolohiyang makatutulong sa atin na maabot ang mga layunin sa 2030,” ayon kay Inga Wise, ehekutibong direktor ng SAFET. “Ibinibigay ng SAFET ang mga kasangkapan at mahalagang pananaw na kinakailangan upang maging abot-kamay ang mga layuning iyon at upang gabayan ang iba’t ibang mga stakeholder sa paggawa ng mas may batayan at mas makabuluhang mga desisyon.”

Ang pangunahing misyon ng SAFET ay lumikha ng isang hinaharap kung saan binibigyang-kakayahan ng teknolohiya ang sektor ng seafood at pangisdaan na pamahalaan nang mapapanatili ang yamang-dagat. Matagal nang kilala sa kumperensiya sa teknolohiya ng karagatan na ginaganap tuwing dalawang taon, nag-aalok na rin ngayon ang SAFET ng mga mapagkukunan sa buong taon para sa mga stakeholder sa industriya ng karagatan at seafood. Saklaw ng gawain ng organisasyon ang mga tao, mga kompanya, mga ahensya, at mga proyektong naghahatid at gumagamit ng teknolohiya para sa napapanatiling pangisdaan at pamamahala ng karagatan. Patuloy ring isinasagawa ang mga kumperensya ng SAFET, at ang susunod ay nakatakdang ganapin sa Setyembre 2026 sa Cebu, Philippines.

Upang mabasa ang buong insight brief na The Fourth Industrial Revolution at Sea: How new technologies enable more sustainable management of fisheries and the ocean environment, i-click dito. Para sa mga katanungan o upang makipag-ugnayan sa SAFET team, magpadala ng mensahe dito

 

###

 

TUNGKOL SA SAFET
Itinatag noong 2014, ang SAFET (Seafood and Fisheries Emerging Technologies) ay isang pandaigdigang inisyatibong nonprofit na nagsisilbing walang kinikilingang plataporma na nag-uugnay sa mga tagapagbigay ng teknolohikal na solusyon at sa mga pangangailangan ng sektor ng seafood at pangisdaan. Sinusuportahan namin ang mga mangingisda, mga regulator, mga lider ng industriya, mga siyentipiko, at mga tagapagbigay ng teknolohiya sa pamamagitan ng pagtitipon, pagbabahagi ng kaalaman, at pagbuo ng komunidad upang pabilisin ang mga solusyong nagtutulak ng napapanatiling pangingisda, nagpapanatili ng matatag na mga karagatan, nagpapalakas ng matitibay na komunidad, at tumitiyak ng malinaw at mapagkakatiwalaang mga supply chain.

Alamin pa sa SAFET.fish.

MEDIA CONTACTS
Nikki Arnone & Logan Varsano
Inflection Point Agency para sa SAFET
nikki@inflectionpointagency.com, logan@inflectionpointagency.com

Share this article

No Comments

Next article
Previous article
Back To Top